Friday, November 10, 2006

Adaptation

Parati na lang bang ganito?
Dapat bang tanggapin ko na hindi na magbabago?
Namamanhid na yata ang buhay na bato
Sa isang banda, mas panatag ang bagyo
Sinong makakapagsabi kung mabuti ito?
Ganito din ba para sa kanila?
Ganito na nga ba talaga?

Madalas, babaeng walang buhay ang tanging kaulayaw ko
Hindi din naman masaya kapag walang tinig ang kausap ko
Sa ganitong pag-iisip, ako'y nagiging kalunos-lunos
Kailan kaya kami magpapalit ng sapatos?
Sa kabila ng lahat, mas ikapapanatag ko na ako'y naisantabi
kaysa malaman na may anumang nangyari

Palagi na lang ganito
Marahil hindi mahalaga ang mga agam-agam ko
Ngunit habang hindi pa tuluyang namamanhid ito
Maingay pa din ang alingawngaw ng kalungkutan ko
Pero nararamdaman ko na malapit na..
Malapit na tuluyang matulog ang bagyo.

2 comments:

Anonymous said...

What a great web log. I spend hours on the net reading blogs, about tons of various subjects. I have to first of all give praise to whoever created your theme and second of all to you for writing what i can only describe as an fabulous article. I honestly believe there is a skill to writing articles that only very few posses and honestly you got it. The combining of demonstrative and upper-class content is by all odds super rare with the astronomic amount of blogs on the cyberspace.

Lara said...

Thank you, Anonymous. I don't know what else to say. Most of the time, I write here for me alone. Going paperless and all. ;)