Parati na lang bang ganito?
Dapat bang tanggapin ko na hindi na magbabago?
Namamanhid na yata ang buhay na bato
Sa isang banda, mas panatag ang bagyo
Sinong makakapagsabi kung mabuti ito?
Ganito din ba para sa kanila?
Ganito na nga ba talaga?
Madalas, babaeng walang buhay ang tanging kaulayaw ko
Hindi din naman masaya kapag walang tinig ang kausap ko
Sa ganitong pag-iisip, ako'y nagiging kalunos-lunos
Kailan kaya kami magpapalit ng sapatos?
Sa kabila ng lahat, mas ikapapanatag ko na ako'y naisantabi
kaysa malaman na may anumang nangyari
Palagi na lang ganito
Marahil hindi mahalaga ang mga agam-agam ko
Ngunit habang hindi pa tuluyang namamanhid ito
Maingay pa din ang alingawngaw ng kalungkutan ko
Pero nararamdaman ko na malapit na..
Malapit na tuluyang matulog ang bagyo.
Friday, November 10, 2006
Subscribe to:
Posts (Atom)